Isang Mahabang Kuwento
(Sent this out to select friends on October 12, Monday, my first day back)
My dear friends,
Nung Sept 26, Sabado, eto ang plano ko sa maghapon — pupunta ako sa Robinson’s Metro East, bibili ako ng stuff para sa spaghetti at ang ina-attempt kong paella (parang redundant ano?) kasi pupunta ang mga ate ko sa bahay kinabukasan. Some of you know how freakishly important my birthday is to me that I celebrate as early as the weekend before and after it, and celebrate it in separate groups — high school friends, college friends, office friends. Parang artista.
Kaka-lunch lang namin nun at dapat maliligo na ko para makaalis. Malakas na ang ulan nun pero dedma lang ako. Inaasar ko pa nga ang nanay ko kasi gusto pa sumama kahit malakas ang ulan. (Ang katigasan ng ulo ay likas sa pamilya namin). Tapos, biglang nagsisigaw yung pinsan ko, si Bojie. “Umaapaw yung drainage ng CR”. Akala naman namin may tubo lang na nasira. Kumuha pa kami ng timba kasi umaagos na palabas ng CR, eh yung kwarto ko at kwarto ng nanay ko (sa mga nakapunta na sa amin) katabi lang ng CR.
Tapos umangat na nang umangat ang tubig. Una, hanggang sakong lang. Naging hanggang tuhod. Hanggang binti. Tumawag na ako kay Tina na diva ng News & Public Affairs Sales para humingi ng tulong. (In fairness kay Tina at sa lahat ng hiningan ko ng saklolo, narinig naman daw ang panawagan sa DZBB tungkol sa Bana
Nakaupo sa sofa ang anak ko, naglalaro ng PSP. Malapit nang umabot sa kanya ang tubig kaya umiiyak na siya. Kinarga ko na siya at iniupo sa 2nd bunk ng double deck naming. Iniakyat ko na rin mga sapatos ko (lalo na ang gladiator shoes na ilang linggo kong pinakahanap-hanap).
Sa labas, inaangat ng tatay ko at ng pinsan ko ang mga gamit namin. Pero tumataas pa rin ang tubig. Lumalabas-labas ako ng kwarto para tumulong pero umiiyak pa rin si COjie. Samahan ko raw siya. Tumawag na ko kay Telle. Hindi para humingi ng tulong, pero inisip ko, kung kami na ni minsan ay hindi binaha, baka naman sina Telle, na taga-Malabon, eh nasa ilalim na ng tubig. (Yun pala hanggang tuhod lang baha sa kanila). Sa puntong ito, hanggang bewang na ang tubig. Iniyakan ko na si Telle. Nag-panic ata ang anak ko sa pag-iyak ko, kaya umupo na lang kami sa itaas ng double deck at nagdasal.
Makailang beses ako nagyaya sa mga magulang ko na lumikas na kami. “Wag ka nga magpanic”. “Bababa din yan”. Nung dumungaw sila sa labas ng bahay, dun nila na-realize na tama ako. Mas mataas ng one foot ang tubig sa labas, at rumaragasa ang tubig sa kalsada. Hindi na talaga ito basta baha. Flash flood na ito. At hindi na ito bababa.
Binitbit ko ang anak ko na mala-Pasan Ko Ang Daigdig, sinilid ang passbook, passport (sayang US visa), mga relo, make-up at vanity kit (hindi ko alam kung bakit), cellphone at wallet sa isang bag at nagporma nang lumabas ng bahay. Sumunod na rin mga magulang ko, tiya ko, pinsan ko, isa kong pang tiya na naglalaba para sa amin at ang anak niya. Walo kaming lahat na umalis ng bahay.
Sa mga nakapunta na sa amin, maalala niyo na may tatlong hakbang pa pababa ng kalsada mula sa bahay. Kapag bumaba ka sa mga hakbang na yun, lalagpas na sa ulo mo ang tubig. Si Papa ang pinakamatangkad sa amin, kaya binitbit niya ang anak ko sa isang kamay at ang nanay ko na marunong naman lumangoy, inalalayan niya. Si Bojie, inalalayan naman ang nanay niya, ganun din ang tiya ko at ang anak niya, dahil lahat sila marunong lumangoy. Ako hindi marunong. Kumapit ako sa mga grills namin at grills ng kapitbahay para makatawid.
Awa ng Diyos, humuhupa pala ang tubig as you go up the road. Kami pala ang pinakamababa sa street namin. Mga ilang hakbang lang, yung tubig nasa bewang na lang, tapos tuhod, tapos binti, hanggang sa wala nang tubig.
May isang tindahan na kumupkop sa amin. NIlabas namin mga telepono namin — sa limang dala namin, isa na lang ang gumagana. Kanya-kanya na kaming SOS sa mga kakilala, palitan lang ng SIM.
Pagkatapos lang ng isang oras, hanggang tuhod na din ang tubig sa tinuluyan namin kaya napilitan na naman kaming umalis dun. (Pati yung tinutuluyan namin, lumikas na rin). Nakahanap kami ng bahay na hanggang 3rd floor. Siguro mga 20 families na ang kinukupkop nila.
Parang bumagal ang oras. Basang-basa kami, kami ng pinsan ko walang tsinelas. Naghihikahos na rin ang kaisa-isang cellphone namin. Pag medyo natutulala, naalala namin lahat ng bagay na hindi na namin nailigtas. Ang tatay ko, sumilip sa bahay namin, wala na, lubog na. Bubong na lang ang kita. Pilit pa niyang inaangat ang kotse niya sa medyo mababang tubig pero wala, lubog na rin ang kalahati.
Sa puntong ito, dalawang bagay lang ang hinihintay ng may 100-200 katao sa Armel 3 Subd ng Banaba, San Mateo. (A) Rescue o (B) Humupa ang baha. Pagkatapos ng apat o limang oras na paghihintay, na-realize namin na hopeless na ang rescue. Inabangan na lang namin na humupa ang baha. Kapag medyo tumitila ang ulan, at bumaba lang ng konti ang baha, sugod kaming pamilya. Tatlong bahay din ang tinuluyan namin na nagbigay ng damit at pagkain sa amin.
Inabutan na kami ng dilim. Napadpad kami sa lugar na wala nang baha pero lahat ng ruta palabas ng highway, either lampas tao pa ang baha o rumaragasa ang tubig. Palitan kami ng tatay ko, ako at ng pinsan ko ng pagpunta sa tanging daan papuntang highway na dadaanan namin. Kaso mo, may creek ka na tatawirin papuntang highway na lampas tao pa raw ang tubig.
Alas-diyes na ng gabi nang bumalik ang tatay ko sa tinutuluyan namin at sinabing hanggang bewang na lang ang baha sa creek. Rumaragasa pa rin ang tubig pero at least kaya nang tawirin. May isang malaking dump truck na nagsisilbing ilaw sa mga tumatawid. Tsaka meron daw kinabit na lubid na pwede kapitan habang tumatawid sa creek.
Wala kaming kinain mula nang mananghalian — isang tinapay o isang maliit na tasa ng noodles lang ang kinain ng anak ko. Sampung oras na rin kaming basa ng tubig ulan. Kaya kahit putik putik ang dadaanan, tinawid na rin namin.
Di naman sinabi ng tatay ko na hanggang bewang NIYA ang tubig. Eh ang tatay ko ay 5’8”. So hanggang dibdib ko. At hanggang leeg pa ng nanay ko ang tubig. Si Cojie, bitbit ng tatay ko (nagtatampisaw pa ang paa sa tubig). Ang nanay ko naman, nung una, kasama ko pang naglalakad, mayamaya, natatangay na ng alon. Kaya bitbit ko siya sa isang kamay habang nakakapit ako sa lubid. Sari-sari nang bubog at pako ang naapakan ko pero dedma. Kita ko na ang highway. Sa kanto ding iyon, nakatira ang tiyo ko. Marating lang namin ang highway, tapos na ang kalbaryong ito.
Alas-onse na ng makarating kami sa mga tito ko. Walo kaming lahat, buhay lahat, may mga minor injuries lang, pagod lang, gutom lang, inaantok na rin. Binigyan kami ng bihisan at pinatulog kami sa kwarto ng mga pinsan ko. Pagdating ng alas-dose, tuyo na kaming lahat, nasa 2nd floor, ligtas na.
Pero kahit idinetalye ko na ang karanasan ko na ito, di ko ma-explain pa rin sa inyo kung gaano kalaki ang impact nito sa buhay ko ngayon. Kung paano nabago drastically lahat ng pananaw ko sa buhay, lahat ng mga plano ko, priorities ko, fears ko.
But in the end, all I really want to say is thank you. Tulad ng sinabi ni Mulder kay Scully (hayyy nagswimming na sila sa baha) sa Season 7 episode na Sixth Extinction II: Amor Fati “Even when the world was falling apart, you were my constant. My touchstone.” Maasahan ko talaga ang mga kaibigan ko. Maraming salamat.
Ana/Ajie